Wednesday, December 14, 2011

Subject Matter: Preparedness

Be prepared! There will be a test tomorrow.

As a student, once the teacher said that… I would instantaneously succumb to a mild to serious panic attack depending on what kind of test the teacher was talking about. I hate test! Who doesn’t? Tests or exams have a negative implication regardless of the result.

As a teacher, once I say that magic phrase… I would instantaneously scanned my students’ faces for any hint of panic attack and would tell myself… you are so mean! I love giving test! It’s my way of knowing if I was effective as a teacher and this time… result matters.

As a human being, we are always tested. Life is a constant performance evaluation that no one is ever exempted from taking. Life is a continuous process of learning and re-learning lessons that will help us pass the test of faith. And life is a never-ending test of perseverance, fortitude and recognition of God’s blessings.

————————————————

Two years ago, a former colleague who was also a friend of mine took the greatest test of her life. Sad to say, even if she was one of the best teachers I’ve ever known, she failed the test. She was tested with lung cancer.

The news shocked the entire campus where she was teaching but her determination to fight the dreaded disease made her stronger that she could imagine. Teacher as she was, she prepared for everything.

Here is the letter she wrote to our principal the day before she underwent series of test for her disease.

Dear Ma’am Alvero,

The blessing of our Lord Jesus Christ be with you. Ma’am siguro po habang binabasa ninyo ang sulat kong ito ay nakaalis na po ako at papunta na po ulit sa Manila for the next set of test sa health problem ko. Alam ninyo Ma’am, this is my worst hospitalization simula noong una pa akong na-coconfine. Hirap na hirap ako sa lahat ng ginagawa sa aking test. Isa pa nga may problema ako sa puso kaya nahihirapan din akong gamutin ng doktor at bagsak ang aking katawan. Halos mamatay ako sa nerbiyos pero isa lang ang tinandaan ko na sinabi ninyo sa akin… ipagbaubaya mo sa itaas ang lahat at ikaw ay tutulungan Niya. Alam ni God ang dapat niyang gawin. Thanks for the encouragement.
Ma’am alam po ninyo ng kuhanan ako ng tubig sa likod dahil may tubig ako sa baga, yung lumabas na tubig ay may kasamang dugo. Tinapat na po si Kristel ng Doktor ko at sinabi na hindi maganda ang resulta ng nakuhang at nakita nila… which is almost 75% cancerous. Pero sabi niya kailangan pa rin ipa-test ang resulta para makasiguro. Wala pang sinabi sa akin ang doktor pero umiiyak na si Krsitel kaya alam kong hindi maganda ang result a. Nawalan po ako ng pag-asa sabi ko… “Bakit ako pa?”. Sabi ni Kristel, “Ninang doktor lang sila! Never lose hope Ninang.” Habang nag-iiyak lahat… “Please pray at Siya pa rin ang nakakaalam ng lahat. Alam mo Ninang sobrang bait mo tine-test ka lang ni God kaya kakayanin mo. Kailangang kayanin mo lahat Ninang!” 
Ma’am ginawa kong hindi humingi ng awa at patawad at humiling ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Sabi ko… “pabalato po Ninyo sa akin dahil birthday ko po naman”. From that time hindi po ako makakain at makatulog tapos ang daming na ginawa. The first time tumawag ang tatay ko sa cellphone at sinabi hindi daw ako nagpaalam sa kanya kung wala pa daw nagsabi sa kanyang kapatid ko wala siyang alam hanggang umiyak siya at sinabi niya… “sana ako na lang at ako’y matanda na”. Sabi ko.. “panano kung ako ang gusto ni God”. Just pray for me”. Alam mo ba ang sabi niya… “walang mag-aasikaso sa akin. Ngayon pa lang kagulo na kami”. “Magsanay na kayo ng wala ako”, yun ang sabi ko. Sinabi ko rin iyan sa mga anak ko… “sanayin na ninyo na wala ako dahil hindi natin alam ang kahihinatnan ng lahat ng ito”.
Alam ko na marami akong kaibigan na nag-pray sa akin at nagtitirik ng kandila for my early recovery at nagte-text na magpagaling ako. Ilan lang ang na-reply ko kasi nga po di ko pa alam ang mangyayari. Wala akong ginagawa kundi magsulat ng magsulat kasi ang katwiran ko kuhanin man Niya ako, kahit sulat makapag-iwan ako at tanggap ko na kung ano ang kapalaran ko. 
Sa aking Kumareng Gerry, thanks sa mga text mo. Kahit na patay ang tatay mo nagagawa mo pa akong itext na mag-ingat ako at magpagaling di naman kita mareply. You’re such a good friend. Kay Ate Sylvia, thanks for the prayers lagi mong sinasabi kasama ako sa panalangin mo. Ate Nora – sa sinabi mong may awa si God, thank you. Kay Armie – alam ko bahagi ka ng pamilya namin. Kung anong problema namin kaagapay ka. Sa lahat ng teachers na nanalangin… thank you. At doon sa ilang mga teachers nagsasabi na buti pa ako walang pinoproblema, hindi ninyo alam mas malaki ang problem ko kaysa sa inyo. Huwag namna kayong maghinanakit kapag sa oras na kayo ay lumapit sa aking na hindi ko kayo matulungan dumarating ang pagkakataon na talagang wala ako at minsan ako’y nadadala na dahil dumadagdag pa sa aking isipin ang problemang di dapat sa akin. Alam kong naghihinanakit kayo dahil minsna kayo pa yong hindi kumikibo, sana wag ganon. Ginawa ko na ang letter na ito kasi baka hindi na ako magkapagsalita next time. Mawala man ako naiparating ko na lang lahat ito.
Ma’am Alvero, thank you po sa lahat ng ginagawa ninyong pag-unawa everytime na magpapaalam ako sa inyo. Ginawa ko po ang letter na ito para ipaabot sa lahat ng teachers ang pasasalamat ko. Pakibasa na lang po ninyo ito. Alam ko po na magiging ok ako, kung hindi man po at least nakapagpasalamat ako sa kanilang halat. Alam ko pong God is good, God is great, God is almighty. See you soon. Pagagalingin po niya ako at hindi ako pababayaan.
Pasensya na kayo sobrang emotional ako. Dito ko dinadaan sa sulat para maibsan ako.

Thanks,

Gladly Nina B. Vines

AND TWO YEARS AGO... My dear friend and colleague finally lost her battle to lung cancer. She finally flanked all the tests that the doctors gave her but she did pass the greatest test of her life – her unwavering faith in God. Until the end, she held tight to that faith. Until the end, she struggled to keep her faith strong. And until the end she kept her faith alive in everyone whose lives she had touched. She taught us to have a stronger faith.

My dear friend has finally joined the Greatest Teacher of all.

Have peace now Mare… You will always be missed and the lessons you taught each one of us will surely be cherished until we meet again in the next life. I love you.

Ruthilicious... absent in the Classroom, present in the Chatroom. She blogs when she is NOT Facebooking doing chores and she blogs while she is ALSO Facebooking doing chores.

To read more about her Teaching-Learning Experience... Click HERE.

1 comment:

rainfield61 said...

I used to have examinations in my dream.

How lucky I am after knowing it was just a dream.

Popular Posts

Pin It button on image hover